7 Cardinal Rules of Life  

Posted by Kokak

Pinorward sakin ng kaklase ku nung hiskul. Cguro eto yung isa sa mga ancient secrets (hmm, ngayun alam ku na, kaya hindi na secret) kung panu maging happy (lol) yung buhay ng isang tao.

1. Make peace with your past so it wont screw up the present.
- nabasa ku din sa isang libro, Make the past as a springboard. Meaning, ahm, d ku din maintindihan yun eh. Eto na lang cguro, d ka talaga mgkakaroon ng tinatawag nilang peace of mind kpag alam mung me mga tao kang nasaktan o kaya eh mga taong nkasamaan ng loob. Mas magiging panatag ang iyong kalooban at pag iisip (peace of mind din kaya yan) kapag alam mung wala kang nasasagasaan o kaya eh natatapakang paa. Mas masarap matulog sa gabi kpag alam mung wala kang kaaway. Alam mung walang mgtatangkang pumatay sayu habang natutulog ka. Sa akin naman, d aku yung klac ng tao na marunong mgtanim ng galit. Ahemm. Maaring galit or inis aku sayu ngayun pero bukas eh mkakalimutan ku din yun. Tsaka d naman talaga aku marunong magalit. Mabait naman talaga aku. Hihihi.

2. What other people think of you is none of your business.
- problema ku to dati. Akala ng mga kaibigan at kaklase ku eh prang cgurado aku sa sarili ku. Na alang insecurities sa katwan. Happy go lucky. Plaging maingay, nakatwa. Pero deep inside, umiiyak aku. Hahahahaha. Joke. Naasiwa aku dumaan sa harap ng maraming tao. Pumapasok plagi sa isip ku na aku yung pinag uusapan nila. Kaya d aku sumasama kapag nagyayaya yung mga kaklase ku na pumuntang mall, magliwaliw, etc. Maliban sa wala naman talaga akung pera eh, andun yung pakiramdam na mga sosyal lang yung mga pumupunta sa mall tsaka tiyak magagara din yung mga damit nila, bka magmukhang pulubi lang aku dun. At tiyak, aku naman pag-uusapan nila. Feeling artista kac ako. D din aku mahlig pumunta sa mga family gatherings, sa mga reunion. Mas nanaisin ku pang matulog kesa mkipag sosyalan. Yung nangyari sakin last last year. Yun yung grabe (nyaaaa). Mga ilang araw din akung d lumabas ng kwarto ku (except xmpre kung kakain o magdidilig aku ng halaman). D dn aku nagsasalita. Buong araw akung tulog o kaya eh inuulit kung basahin yung mga pocketbuks ku. Akala nga nila eh mawawala nku sa katinuan. Alam nyu yung ang daming pumapasok sa isip mu. Mostly eh yung thought na ikaw na yung pinag-uusapan ng buong barangay. yung tipong, “oi alam mu ba, d mkakagraduate c anu, kac ganito, ganyan. Aws, sayang naman. Mabait pa naman yung bata. Uu nga, akala ku ba matalino yun?” at na blind item pa. Dba. Pero nung kinausap aku ni nanay. Tumatak talaga yung sinabi niya. Sabi niya d siya galit sakin, disappointed lang (hahaha). “Pero, kung anu man yung magiging desisyon mu, susuportahan kpa rin namin ng tatay mu. At wag mung iisipin yung sasabihin ng ibang tao. Anu bang pakialam nila? Kac in the end yung sariling desisyon mu pa rin yung masusunod, hindi sa kanila. Ikaw lang yung nakakaalam ng mas makakabuti sayo. Ipakita mu sa kanila na kaya mung bumangon at sa time na yan, ipamukha mu sa kanila kung cnu ka talaga at anu yung kaya mung gawin. At alalahanin mu na yung opinyon mu sa sarili mu ang mas importante at d ang mga wlang saysay na opinyon ng ibang tao.”

3. Time heals almost everythng, give time.
- medu disagree aku d2. Hmmm. Time isnt rily the answer. Yun eh yung will ng isang tao na talagang gusto niya, for example, na kalimutan ang isang tao, o kaya eh magbago or mgpatawad. Kahit mghintay pa siya ng ilang libong taon o kaya eh hintayin niyang pumuti yung buhok niya sa kili kili pra lang mapatwad yung isang tao, kung sa kaloob-looban niya mismo, ayaw niya. Pero medu agree din aku. Hahahaha. Time kac can give us the space to breathe, pra pag isipan yung mga bagay-bagay, pra i-weigh yung situations, i-analyze yung mga nangyari. At pra pahilumin din yung sugat. Masakit kayang palitan yung bandage kapag basa pa yung sugat. Ang hirap dbang i-confront yung isang situation na alam mung sariwa pa rin sa alaala (hahaha) mu yung mga nangyari. Ma ooverride ng emosyon natin yung anu ba talaga yung dapat nating gawin, kung anu ba talaga yung makakabuti sa atin.

4. No one is in charge of your happiness except you.
- Pain is inevitable. Suffering is optional. Happiness is a must. Sabi ng thesis adviser namin. Ala, share ku lang. Hahaha. Ikaw yung gumagawa ng mga desisyon, and that decision can either make you happy or can make your life mesirable. Oha, inglis yun. Siya lang yung ngpapasaya sakin. BS. Havent you heard of self-cultivation? (basta yun yun, hahaha). D natin kelangan ng ibang tao pra lang maging masaya tayo, to feel complete. At tayu lang din yung nkakaalam kung anu talaga yung gusto natin, yung talagang inaasam ng mga puso’t damdamin natin, at yung mga bagay na talagang mgpapasaya (ng tunay) sa atin. Wag nating gawing dahilan ang ibang tao o ang isang sitwasyon pra lang i-justify kung bakit tayu malungkot o naghihirap, kung bakit tayu nasasaktan.

5. Don’t compare your life to others and don’t judge them. You have no idea what their journey is all about.
- don’t judge a book because hindi sila libro at hindi ka rin judge. Bakit d nalang kaya, atupagin yung sariling buhay nila, imbes na yung buhay ng kapitbahay nila? Pero nature na talaga ng tao na makialam o kaya eh maki usyoso sa buhay ng ibang tao. Hinuhusgahan sa sarili nilang PRS (performance rating scale) na cla mismo ang may gawa, base na rin sa kanilang standards. D rin aku naniniwala sa first impression lasts. D mu malalaman yung totoong kulay ng isang tao sa isang tinginan lang. God created us in His own image and likeness. Walang dalawang tao na mgkapareho. Kaya, wag mung ikompara yung sarili mu sa ibang tao, kac you’re you. Oha.

6. Stop thinking too much. Its alright not to know the answers. They will come when you least expect it.
- Mas gumaganda at nagiging exciting ang buhay dahil sa mga sorpresang dumadating. Dba ala ng excitement manood ng isang pelikula kasama ang isang tao na nkpanood na? o kaya eh manood ng isang pelikula na napanood mu na? (pero ginagwa ku pa rin yan, hihihi). The more we think of somethng, the more na nawawala yung focus natin sa kung anu ba talaga yung dapat nating unahing gawin, hanggang sa maging obsess na tayu sa bagay na yun. Halimbawa sa isang exam, kung d mu alam yung sagot sa isang item, magtanong ka sa katabi mu. Hihi. Don’t waste your time sa pgkalikot sa utak mu sa paghahanap ng tamang sagot. Eh panu kung number 1 kpa lang, tas 30 minutes lang yung exam? Oki lang yun kung 1-10 lang yung exam. In the end, mgka-cram ka din kac nga ang dami mu pang numbers na hindi nasagutan, inaksaya mu yung buong panahon mu sa isang bagay, samantalang meron pang ibang bagay, mas importanteng bagay na mas nangangailangan ng atensyon mu.

7. Smile. You don’t own all the problems in the word.
- eto yung motto ku sa buhay. Kahit anung mangyari, wag kalimutang ngumiti. Sa pagkakaalam ku eh nkakahawa din tulad ng yawning ang pag ngiti. Nung hiskul, kahit todo sermon na yung mga madre, kahit umiiyak na yung titser sa harapan, ayun, nkangiti pa rin kmi ng mga kaklase ku. Naalala ku nung 3rd year, talagang in-aanounce yung pangalan namin sa PA. pinapatawag kmi sa principal’s office. Haha. Ang saya nun. High blood to the nxt level yung isang titser. Kahit pumuputak na yung madre, smile pa rin dapat. Kahit palagi akung late (haha), dapat smile pa rin pgpasok ng rum, na parang walang anumang nangyari. Parang it’s a kind of defense mech na rin. Parang nawawala yung anxiety o kaba ku sa ganung paraan. Anu yung point ng pagsimangot sa isang walang kwentang bagay kung alam mu naman na kaya mung maging masaya yung araw mu? Stay positive daw. Wag hayaang gawing mesirable yung araw mu dahil lamang sa nkatapak ka ng UFO ng aso. Pero talagang nkakabadtrip yun, dba. Hahaha. At, madali kang tatanda kpag palagi kang nkasimangot.



Read more...

Hip-hip  

Posted by Kokak

9/20/2008 7:15:59 PM

Enjoy na enjoy talaga yung tita ku sa tuwing nanonood ciya ng hep-hep, hurray!

Pgpatak ng 1230 eh nkapwesto na talaga siya sa harap ng TV at d pwedeng istorbohin. Kahit na lumindol pa o mgkasunog.

Tawa aku ng tawa nung, last week ata yun. Yung mga contestants eh mga dean’s listers. Yung isa ku kasing tita eh talagang npaiyak sa kwento nung isang contestant. Oha. Pinagalitan tuloy aku.

Naalala niya daw aku. Kung sana nka graduate daw aku ng maaga. Kung sana d aku nagloko. Tsaka dapat alalahanin ku plagi yung mga sakrispisyo na ginawa ng mga magulang ku pra mkapag aral aku ulit. Blah blah.

Napapansin ku, ala atang episode na alang umiiyak na contestant (except kung mga artista yung mga guests). Tsaka merong 1 thing in common yung mga contestants. Matagal na nilang pangarap na mkapunta sa show na yun.

D naman sa d ku gusto yung programa. Maganda nga yun eh. Maraming tao yung napapasaya nila. Tsaka marami din yung mga natutulungan nila.

Kelan kaya aku mkakapunta dun at mkapanood ng live?

Mga tao nga naman. Mahilig ikumpara yung kasalukuyang buhay nila sa buhay ng ibang tao. Oki, aminin na natin. Nag-eenjoy tayu sa tuwing me nakikita tayung natatapilok, nadudulas o kaya eh nabubunggo sa mga pintuan. Mahilig tayung makita yung ibang tao na pumapalpak, yung mga taong nagwawala dahil sa matinding emosyon, mga babaeng nagsasabunutan dahil lamang sa mga hindi nahugasang pinggan. At higit sa lahat, yung mga taong umaamin in national TV na kabilang cla sa federasyon. Kaya nga patok na patok yung mga reality tv shows, mga talk shows. Patok na patok yung istorya ng mga nasisirang pamilya dahil sa naligaw sa ibang bakod yung mga asawa nila, mga anak na iniwan ng mga magulang, istorya ng buhay ng mga nagtatrabaho sa isang klab o kaya eh mga batang kalye.

Bat ba tayu nanonood ng mga ganun? Kac mga chismoso talaga tau sa totoong buhay. Kac sa kaloob-looban natin, ngpapasalamat tayu na hindi tayu yung nasa ganyang sitwasyon. At perpekto yung kasalukuyang takbo ng buhay natin. At tsaka prang konsolasyon na rin na kahit me mga palpak sa buhay natin eh hindi masyadong ka-grabe gaya nung sa ibang tao. “Naman, npakamalas naman ng taong yan.” “Buti, d aku yun.” “Ewwww, that is soooooo gross!”.

Voyeurism.

At, suckers din tayu pgdating sa mga cinderella stories. Mapapansin nyu na karamihan sa mga nananalo eh yung mga hindi masyadong nabiyayaan, yung champorado lang yung handa nung pasko. Parang ang bait mu na kapag nka send ka ng isang txt vote o kaya eh nkpagbigay ka ng 1 US dollar sa isang bata na namumulot ng basura. Yung ibang tao bumuboto d dahil sa maganda naman talaga siyang kumanta, sumayaw o umarte. Kundi dahil gwapo/maganda siya, seksi/macho, maganda manamit, etc etc. Its supposed to be a talent show, hindi isang charitable institution.

Patok din yung mga balita sa TV at sa mga newspapers na me mga nagpapakamatay sa pamamgitan pagsinghot ng isang box ng katol, yung isang lalaki na pinasukan ng battery (triple A) sa pwet, yung ginang-rape tapos nilitson at ginawang pulutan. At talagang headlines ang mga yun. Mas importante pa sa ekonomiya ng bansa, mas importante pa sa anu ba talaga yung kasalukuyang estado ng lab layp nina KC at Richard (Gomez).

Pero sasabihin ng iba, anu bang pakialam mu?

Ahm, uu nga no?

Hihihi.



Read more...

Ang Landi  

Posted by Kokak

9/19/2008 8:31:08 PM

Kaygandang araw. Nakita ku na naman yung kras ku. Hihi. Mgkatabi lng kac yung rum namin. Hihi. Minsan kac hbang nkadungaw (sosyal) aku sa terasa (mas sosyal) ng 5th floor, habang inaantay yung always on time na titser namin eh, nagtanong siya sakin kung anung year na ku, etc. At kung mga anu-ano pa. Plagi ku din kac siyang nakikita sa tuwing dadaan siya ng room. Hihi.

Bka nagtataka kayu kung bakit puro ‘hihi’ yung nakikita nyo. Kinikilig kac mga alaga ku sa tiyan.

Nagkasabay din kami kanina sa canteen, at mgkatabi pa (oha). Ala, dedma lang. Pero xmpre, kinilig yung small intestine tsaka pancreas ku. Ngayun lang ata aku nkaramdam ng ganito. Hahahaha.

Masyado pang maaga, kaya, pumunta kmi ni manang (kaklase ku) sa LRU pra sulitin yung 500 internet hours. Sa kasamaang palad, 12 na, at 1230 yung break ng mga taga-bantay. Ampangit ng LRU. Hihi. D ku ma-open yung FS account ku tsaka yung shoutbox, etc sa blagg na to eh d ma-view. Bina-blak ng mga walang hiya. Tutubuan ka talaga ng puting buhok sa kilikili bago mo ma-view ang isang page.

Nung pinalayas na kmi, sa library na lang kmi tumungo. Aircon dun, sarap matulog. Habang nkapwesto na kmi dun, at tapos na mg-review pra sa quiz, xmpre, kwento2 kmi ni manang. Tungkol sa anak niya. Nung lumingon aku eh, OMG, nandun na naman yung kras ku. Anu ba yan. Itinadhana ba talaga kmi sa isa’t-isa? At ngkatitigan kmi (oha). Pero mga 1 second lang. Nahiya kac aku. Ta3.

After nung quiz eh nag film showing kmi. Meron ngang apat na aircon sa rum, ang init pa rin. Peke ata yung mga aircon. Bumaba muna aku pra magdilig ng mga halaman. Nagpabili na rin c manang ng piaya. Nainggit kac siya sa piaya ng isa naming kaklase. Mga patay gutom. D mn lng namigay. So yun, tinalon ku mula 5th floor papuntang ground. Nung nasa ground na ku eh, aba, andun c kras, nagpa-photocopy. Nagtama na naman yung mga mata namin. This time, 2 seconds na. Aba. Sulit naman pla yung pagod ko akyat-pababa. Hihi.

Kaso prang kada biyernes ku lang ata siya nakikita. At malapit na rin matapos yung 1 sem. Bka d kmi magkikita. Pero, sabi naman nila, kung kayu talaga yung itinadhana, kahit pumunta ka mn sa Jupiter, o kaya eh mgsight seeing sa Mars, papasaan din at mgkikita pa rin kayu, pra tuparin ang nkatadhana. Prang c Dyosa. Dba.

Hahaha.

Ang mga adik ku namang mga kaklase. Physical Assessment kac yung pinapanood namin. Nung sa breast na eh, aba, bonggang-bongga kung tumawa. Anu ba, ngayun lang ata cla nakakita ng boobs ng babae.

Nag-EB din kmi kanina ni joggzkie. Sa Crazy Kart. Magaling pla xa sa drifting. Haha. Talo aku dun sa oval na track. Sayang, nagdi-dl pa lng ng client c kapatid. Sa cabal sana kmi magkikita at mgkakaroon ng dance showdown, kaso d mka connect c jogs at c kapatid naman eh cra yung gameguard (anu ba yun? Nyaaa).

Yung swerte ku pla kanina, me kapalit na malas. Nung mgaca-cabal na aku, eh, anak ng pating, naputol yung connection. At d lang sa shop na pinaglalaruan ku, kundi sa buong syudad ata. Nung lumabas kac aku, aba, ang daming tao sa labas ng ibang shop. Tumatambay. Naman.

At ngtxt na din c kapatid na oki na yung cabal niya at nka connect na din c jogs. Kitams.

Cguro, sign na rin yun na kelangan ku nang ibigay yung korona kay kapatid. Haha. Cge na nga.

Nahirapan din aku mkasakay ng jeep papuntang terminal. Parang me stampede. Prang mga patay gutom yung mga tao at tingin nila sa mga jeep eh pagkain. Medu umaambon pa naman. Mga 30 minutes din akung tumunganga, at nag-enjoy sa mga tao habang hinahabol yung mga jeep.

Grabe din yung trapik papuntang terminal. Naman. Nkatulog pa nga aku. Ung katabi ku naman, naku. Me narinig akung parang me umuungol. Kala ku, ngka-epilepsy na yung ktabi ku sa inip at sa inis. Kumakanta pla siya. Nyaaa.

At narecruit ku na din yung kapatid ku na mglaro ng cabal. Oha.

Sana mgkita ulit kmi ni kras. Oki lang kahit mgkatitigan lng kmi. Hihi.

Ang landi.

Now Playing: Why Can’t I?



Read more...

Gudlak  

Posted by Kokak

9/14/2008 7:18:21 PM

Mga ilang mintuo din akung nakipagbuno sa letseng computer na to bago ku npaandar.

Late nku nagising. Nanood kac aku mmk kagabi. Natatawa aku sa istorya. Teenage Love Affair. Nyaaa. Nag-away yung mgpartner dahil lamang sa hindi pla yung lalaki ang first dance ng babae. Kaygandang rason. Ang tindi ng pagmamahalan ng dalawa. Me and you against the world. Naks naman.

Langhiya, black out pla. At, in-announce pla sa radyo kahapon na mula 7 hanggang 5pm na alang kuryente. Akala ku yung cabal lang yung me maintenance. Pati pla ILECO.

Kakatamad bumangon. Mabuti na lng at na charge ku yung psp kagabi. Kaya, me background music pa habang nangmumuni-muni aku.

Nga pla, me magandang balita. Dahil cguro sa mga rollback sa presyo ng langis eh, bumaba na rin yung presyo ng pancit canton. Akalain mu yun. Ibig sabihin niyan, d na matutuloy yung plano kung mag welga sa kalsada ng nkahubad. Tsk tsk. Sayang naman.

Na-tats tlaga aku ngayun-ngayun lang. Me pasalubong sakin yung ate ku. Munchkins. Pakunswelo nya lng cguro kac me atraso siya sakin. Pero, oki na rin yun. Mga ilang dekada na rin kac ng huli kung kain ng munchkins.

Ang init pa ng panahon. Walang cold na tubig na ma-iinom, alang ice na mangunguya, at alang radyo na sumisigaw ng all-time favorite ng tita ku. Pearly Shell, Nora Aunor version.

Anihan na din pla. Nasa likod kac ng bahay, eh palayan. Alang anu-ano, eh, nagsiga pla yung mga mang-gagapas ng palay ng mga dayami. Anak ng tipaklong, yung direksiyon pa ng hangin eh papunta sa bahay. Kaya, nagmistulang nasa eroplano lang kami at me mga ulap sa paligid sa kapal ng usok. Ayos na rin daw yun sabi ni tita. Prang fogging na rin daw yun. Tipok mga lamok, pati langaw. Kaya mga ilang oras din akung tumambay sa tindahan malapit sa kalsada, nagbibilang ng mga dumadaang sasakyan.

Mabuti na rin at dumating yung mga kalaro ku. Cge, kahit tirik yung araw eh, naglaro kmi tumbang preso, nag-volleyball din kami. This time, me pusta na, 5 pesos. Nang magsawa na eh, nag-jackstone naman kami. Sumali din yung kapatid ku. Medu nanibago aku sa paglalaro ng jackstone. Nung kapanahunan namin eh, hanggang 20 talaga yung stage ng laro. Pero ngayun, aba, hanggang 12 na lng daw. Tsaka me mga alyas na yung mga stages. May Around The World, Falling Star, at kung noon eh may Cave, aba, meron na din ngayung Well (balon).

Dahil sa medu sinisipag aku ngayun eh, aku yung nagsaing. Tsaka aku din nagluto ng ulam namin. Ginisang ampalaya (makulay ang buhay sa ginisang gulay), tas adobong manok.

Medu me magandang naidulot yung pgtatambay ku sa kusina nung mga panahon na “in hibernation” mode aku. Nung una kac, hanggang pa-prito prito lang yung alam ku. Pritong itlog, pritong isda, pritong hotdog at pritong saging. Pero ngayun eh kaya ku ng mgluto ng puchero, at ahmmm, yun pa lang kaya kung lutuin (lol). Tas marunong na rin aku gumawa ng ispageti. Marunong na rin aku mgsaing. Indi sa rice cooker kundi gamit mismo eh kaldero at kahoy at apoy. Oha. Yabang.

Pero nagagawa ku lang yun pag normal yung takbo ng isip ku.

Aku na din yung nagpakain sa mga pinsan ku. Umalis kac cna tita, pupuntang burol. Naisip ku, ang hirap pla mgpakain ng mga bata. Pra kang sasabak sa isang giyera, at ang tanging armas mu lang eh isang patpat. Nasa harap na nga ng pagkain eh nag-aasaran pa, at nagbabatuhan ng buto ng manok. Ang hirap magidisiplina ng mga bata. Lalo na yung matitigas ang ulo. Sasawayin mu, ngingitian ka lang. At nagbu-beatiful eyes pa ang mga letse.

Kaya sa mga may balak na mgpakasal at mgkaanak, eh gudlak na lng sa inyo. Mgbaon kayu ng sandamakmak na pasensya tsaka clonidine. D biro at d basta-basta ang mgpalaki ng anak sa mga panahon ngayun. Not to mention na mahal na nga lahat ng mga bilihin ngayun. Ang hirap magsimula ng pamilya. Hindi porket mahal nu na ang isa’t-isa eh sapat na yun pra maging maligaya kayu habang buhay. Uu, take it from the expert. Baby, sometimes, love just aint enough. At hindi lang pag-ibig ang siyang nagpapaikot sa mundo ngayun. Nasa panahon na tayu na kung saan kung wala kang pera, sa kangkungan ka pupulutin. Hindi pgpapakasal ang sagot sa lahat ng mga problema. Oki lang yun kung milyonaryo yung papakasalan mu. Maaaring mkarating tayu na kung saan eh, kahit na ang huminga eh may bayad na.

Only Fools Rush In. Sabi yun ng isang flyer ng isang program ng isang bayan d2 sa amin. Na nkadikit sa pintuan ng kwarto ku. About sa Reproductive Health. Na ginawan namin ng thesis. Tsaka wag masyadong padalus-dalos. Hindi porket sinabihan ka niya ng magic word na I Love You, eh ibubuka mu na, ang mga kamay mu pra yakapin siya. Hehe. At isang pgkakamali lang natin eh habang buhay na nating pagsisisihan. Kapalit ng ilang segundo ng langit eh ilang taong impyerno.

Meron nga grade 6 pa lang, eh buntis na. Oha. Habang yung mga kaklase niya eh naglalaro ng chinese garter eh ibang “laro” naman yung nilalaro nya. Sosyal.

Kesyo hindi aku mahal ng pamilya ku, kesyo gusto ku ng takasan ang masalimuot kung buhay, kesyo sa kanya ku lang naramdaman yung tunay na pagmamahal, kesyo wala namang nagmamahal sakin, siya lang. Siya lang yung nkaka-unawa sakin. Ta3ng mga dahilan. Anu ka, mag-aartista?

Well, ang sa akin lang naman eh ikaw yung gumagawa ng kapalaran mu (haha). At wag mung sisisihin ang ibang tao pag sa huli eh nakatapak ka ng UFO ng aso. Ginawa mu yan, panindigan mu. Kung naging successful yung pagsasama nyu, eh di congrats, magpa-burger ka naman. Pag medu uh-oh, isang malaking BLEH!

Yan eh mga opinyon ku lang naman. At base din yan sa mga napapakinggan ku sa TV at nakikita sa radyo. Sa isang late night show sa isang istasyon sa radyo. At me pa-contest pa dun. Pagandahan ng ungol. Haha. Pero ngayun ala na, pinagbawal na ata ng KBP.



Read more...

Clinically Dead For 16 Hours  

Posted by Kokak

9/12/2008 7:50:11 PM

Medu ampangit ng cmula ng araw ku ngayun. Medu late nku natulog kagabi. Ng-movie marathon pa kac. Tas, ta3 din yung tulog ku. Maya-maya eh nagigising aku. Bumangon nku mga 430. Ang aga. Naligo aku (hihi). At dali-daling nag-abang ng RORO. Mga ala sais na nang me naligaw na RORO kaya, nakasakay aku, (chismosa talaga tong ate ku, panay silip sa pc kung anu ginagwa ku). Nung medu ,malapit na kmi sa syudad eh, tinapik aku nung konduktor. Langhiya, nahulog pla yung psp ku. Ala kac akung dalang bag. Mabuting estudyante. At sinermunan ba naman aku. Ang galing naman. Ke aga aga. Kesyo, alagaan ku daw mga gamit, kesyo mabuti na lng daw at xa nakakita, kesyo mahirap na daw pag nasa syudad na at daming tao, bka iba pa ung nakapulot, kesyo ganito, kesyo ganyan, blah blah blah. Tango ng tango na lng aku. Nung pababa na aku, xmpre nagpasalamt aku ke manong. Me pabaon pa siyang sermon. I-safety ku (direct quote yan) daw mga gamit ku. Maraming salamat manong. Ginawa mung maganda cmula ng araw ku.

Pgdating ng skul, sinita na namn aku ng guard (this time eh totoong guard na). Nakalimutan ku plang hubarin yung hikaw ku. Pasalamat daw aku at ala pang mga pulis-pulisan. Ikalwang sermon pra sa araw na to.

Perfect.

Pgdating ng rum, aba, 730 na (7 klac namin), at 4 pa lng kmi. Naman.

Hanggang mag-8 na eh 16 lang kaming dumating. Uuwi na sana kmi ngunit nakasalubong namin c Kangaroo. Naman, xa pla lecturer namin. Good luck na lng. Kaya, ang ginawa niya, nag check na lng xa ng attendance tsaka lumayas na kami. Me memo pla na dumating kahapon. Imagine ha, kahapon ng hapon. Ala daw klac kac celebration ng arts and sciences day. Naman. Sabi nung isa kung kaklase, masanay na daw aku kac ganun talaga sa skul nila. Late dumadating ang memo. Pag minamalas ka naman. At ina-nounce pa nya sa klac na aku daw nka-top sa exam niya sa midterm. Oha, medu kumalma na rin yung pakiramdam ku.

Alas 9 na. Ayoko pang umuwi. Kakatamad bumiyahe. Kaya, pumunta na lng aku sa shop pra, hulaan nyu. Pra mag-cabal.

Ayoko nang bumalik dun sa mumurahing shop na yun (haha). Ang init, me aircon nga, isa lang. Tas me electric fan, yung parang elisi ng eroplano kalaki. At ang ingay.

Gumawa aku bago character. Hahaha. Ayoko na nung FS. Ampangit. Kaya archer ulit ginawa ku. This time, eto na talaga, pramis. Hahaha.

Nka-usap ku rin c mumay. Ayun, chat2 habang nagcacabal. Tsaka yung kaklase ku nung hiskul. Kamustahan tungkol sa law skul, tungkol sa lablayp niya at sa lablayp ng isa pa naming kaklase. Yes, nakikipag-chismisan din ako.

Pero, yung pag-uusap namin eh mga 20 minutes lang ata or 15.

Wil, ala akung talent sa pakikipag-usap. Ewan ku lang kung me sense din yung mga pinagsasabi ku. Mabuti na lang at pinagtyagaan akung kausapin ni mumay. Hihi. Hindi ku din magagamit na palusot na sabog aku. Kac kahit normal aku at d nkasinghot eh, ganun talaga aku mkipag usap. Sa una, kamustahan muna, pgkatapos nun, ala na. Ala na kung maisip na topic na pedeng pag-usapan. Maliban na lang sa mga chismis. Tungkol sa pagbubuntis ng alagang baboy ng kapitbahay namin. At, kahit isa eh walang bi-ep yung baboy. Isang malaking palaisipan.

Dumalaw na din aku sa FM. Ayun, nag-spam na naman. Me nakilala aku dun, c teka anu ba spelling ng username nun. Nyaaaa. Basta nasa cbox yung name nya. Bisaya din dong. Kaya medu ngkakaintindihan kmi. Pero dyutay lang. Natatawa aku dun sa Jims 5-in-1 coffee. Mapapakape ka sa sarap.

Ang daming isyu. Yoko nang sumali dun. Kac ala naman akung isasabat, dba. Hihi.

Nagtext c Figger. Aba, nagulat aku sa mensahe. Usually kac eh puro mga jokes o kaya eh mga walang silbing mensahe yung pinapadala niya (na gustong gusto ku naman). Pero this time, aba, biglang pumatak ang masagana kung luha sa aking mga mata. Share ku lang:

“Always Consider the long-term effects of your decisions. Don’t let a quick thrill or temporary pleasure ruin the rest of your life. Think before you act”.

Oha, anung masasabi nyu dun? Xmpre, hagalpak na naman aku kakatawa.

Epekto daw yun ng hindi pglabas ng bahay sa loob ng isang buwan. AWOL na rin xa sa pinagtatrabahuhan niya. Hahaha.

Kakamiss din yung mga session namin dati. Konting tiis mga kakosa at, balang araw, tayu-tayo rin ang magkikita sa finals.

I decided to put sa sidebar yung mga mensahe na natatanggap ku mula sa mga kaibigan/kaklase/kakosa/ka-tong its/ka mahjong/kainuman/ka blog (hahahaha). Anu mang pagkakapareho sa ibang blagg! eh d ku sinasadya, at pa-cnxa na. Bunga lamang ito ng mga suggestions ng mga adik kung alaga, Sa Tiyan. Hihi. Wala lang, para kunwari me silbi din tung blagg! na to.

At npakulit ng ate ku. Pasok ng pasok d2 sa rum ku. Nagde-dress rehearsal kac. Magsa-sub teacher xa nx wik. Eh dahil sa npakasupportive akung klase ng kapatid, xmpre bigay naman aku ng mga me sense na mga komento. Tawa aku ng tawa sa sinuot niyang palda. Ate naman. Anu ka ba? Aatend ng bible study?

Oki, basta, dapat maaga akung matutulog ngayun. Yun eh kung d na naman aku mawiwili maglaro ng snake sa cellphone ku.



Read more...

Yellow  

Posted by Kokak

9/10/2008 7:25:32 PM

Ala akung maisipang title sa entry na to, kaya Yellow na lang, sabi ng guardian angel ku (meron pla aku nun). Yun din kac yung kasalukuyang sumisigaw sa headset ku.

Wala akung klac buong araw. Ulit. Pgkamulat pa lang ng mga mata, ku, pagkatapos ku xmpreng magdilig ng mga halaman (basta yun yun), eh nanood aku agad ng dvd. Girl Next Door. Actually, napanood ku na rin to cguro mga last raise to the 3rd power. Kasama ku mga kagrupo ku sa RLE slash mga barkada slash classmates. Noong time na din yun nung na-ban kmi dun sa apartment ng kaklase namin. Ang ingay daw namin.

Nag-cabal din aku. At nkasabay ku (na naman, lol) c kapatid. Me mga bago palang items, at mga ka-ek ekan ang cabal. Buti nkapulot aku dalwa. Sayang din yun, pede daw yun ibenta ng 1 million. Aba, magiging milyonaryo na pla aku. Yun eh, kung may bibili. Pero advised ni kapatid (xa adviser ku pgdating sa cabal) ibenta ku lang daw pag me naghahanap. At kapag me marami na akung pera eh bibili aku ng motorcycle (astral bike daw yun) o kaya eh skateboard (astral board din yun). O d kaya eh bibili din aku ng pet kagaya ng kay kapatid, c Munting Kaibigan. Isa lang masasabi ku, inggitero talaga aku.

Nga pla, ganda ng youtube vid ku no? Silly Love Song ni Paul McCartney. Nakita ku lang yan kanina sa Myx, nagandahan aku.

Eka nga, ang mga in lab lang ba ang pwedeng makinig o kumanta ng mga lab songs? Uu, adik na tanong to. Eh sa adik din yung nagtatanong eh.

Sa buong buhay ku eh d ku pa talaga (pramis) naranasan ng tinatwag nilang ma-inlab. Simpleng paghanga, daming beses na. Pero yung tumutulo yung laway o kaya eh natatalisod pag nkikita ang iniirog eh, indi pa. Infatuation, cguro uu.

Pag me nakikita akung magsing-irog sa kalsada, sa mga jeep, sa plaza, sa tricycle, naghoholding hands, npaka-sweet, d ku mapigilan na mag-ewwwww. Lol. Inggitero.

Alam ku, karamihan sa mga ka-edad ku ngayun (12-15 years old) eh nka-isa mn lang o kaya eh nka-isang dosena nang kasintahan. Aku, bokia.

Kaya nga minsan pumapasok sa isip ku, eka, normal ba aku? Inay, tao ba ku?

Ito yung sagot, panu ka mgkakaroon ng iniirog, me niligawan/nililigawan ka na ba? Yun yun.

Aku kac once alam ku na , parang me nabubuong feelings (haha) aku sa isang tao, teka, back off muna, magkakape muna aku. Marami ring baka (kung minsan naman eh mga kalabaw din o kaya eh kambing) ang pumapasok sa isip ku. Bka iba type nito, baka mgkaibigan lang tlaga turing nito sakin. baka mapahiya lang aku nito. Baka, kambing, kalabaw.

Pero, sumisingit talaga yung sinabi ni mumay. Pgdating daw sa love na tinatwag, parang whole package na yan eh. Kasama na jan yung tinatwag nilang hurts and pains, at kung anek-anek pa. Dapat daw, handa tayong harapin yung magiging kalalabasan nito. Tanggapin ang kung anu mang magiging hatol ng hukuman. Oki lang daw yung masaktan, yung mgmukhang tanga, alang-alang sa walang kamatayang pag-ibig. Pero, pra sa akin, para lang yan sa mga me guts, sa mga makakapal ang mukha (joke lang), sa mga matatapang. Eh, panu naman yung pra sa mga bahag ang buntot? In short sa mga torpe. Kaya nga daw eh, kung talagang mahal mu isang tao, kahit anung bagyo o lindol ang dumating, kahit sakupin pa ng mga Brahmin ang mundo, gagawa at gagawa kpa rin daw ng paraan to be with the one you love. Naks naman.
The juice is worth the squeeze daw.

Kung anung itinanim, ay yun ring ang iyong aanihin. Pero pede ka namang bumili sa grocery store, o kaya eh humingi na lng sa iba. Dba.

Kac in the end kahit na nagmukha kang engot, at least ginawa mu naman yung best mu (parang reality tv show). At hindi ka magsisisi sa huli. Kung bakit d mu ginawa ang ganito, d mu ginawa ang ganyan. And so on en so forth.

Sa mga priorities naman sa buhay, xmpre iba iba din yung tao (letse talaga tong monitor na to). Yung iba, trabaho/career/pamilya/image/etchos yung inuuna bago ang kung anupaman, yung iba naman, nasa top 1 ang lovelife. Oh dba. Sosyal.

Cguro sa ngaun, career ku muna yung uunahin ku. Xmpre, anu ipapakain mu sa pamilya mu kung ala kang trabaho. Pero ang bilis naman, pamilya na agad yung pinag-uusapan. Cge, anung ipapang libre ku sa pamasahe sa jeep? Sa pedicab? Ang mahal na kaya ng pamasahe ngaun. Anung ibibili ku ng siomai? Ng kape? Ng hotdog with bacon? Ng chili cheesedog?

Xmpre, uunahin ku muna sarili ku. Anu cla, sinuswerte?

Sa totoo lang, d ku talaga nakikita sarili ku na nasa isang relasyon. Maybe eto talaga yung tadhana ku. Me iba na tinadhana na maging mahusay na doktor. Mahusay na manunulat, mahusay na mgnanakaw, mahusay na modelo sa isang photoshoot na ang concept ay nudity, at mahusay na bold star.

Masaya pku sa kasalukuyang estado ng buhay ku, specifically ang estado ng puso ku. Sa kasalukuyang takbo ng buhay ku. Dba. Masyado pa akung bata, ni hindi ku pa nga alam panu itali yung shoe laces ku, (ala naman talagang shoe lace ung sapatos ku).

Second, ung character ku sa cabal. Kahit low lvl pa lng yun, mahal na mahal ku yun. Kakaibang ligaya at self-realization ang naidulot nun sakin. Dun ku nalaman ang tungkol sa self-awareness at opening my heart.

Amen.



Read more...

Defrag  

Posted by Kokak

9/9/2008 7:49:49 PM

Bago ang lahat eh, happy birthday muna ke Mama Mary.

Isa na namang himala ang nangyari. Maaga akung nagising. Huwaw. At dahil 230 pa naman yung klac ku eh, tumunganga muna aku, habang nka-upo sa silya at nakatingin sa kawalan. Mga 30 minutes.

Nanood aku ng bagong edition ng digimon, Digimon Savers. Kaso, nakokornihan aku. Mas maganda yung dati, yung Frontier.

Pagkatapos ng Digimon eh, nood naman aku dvd. Yung Meet The Spartans. Naku, mas korni pa pla sa Digimon (pero mas korni tong blagg! Ku..hihi).

Yung almusal ku eh, pork and beans lang tsaka Lomi Lucky Me. Uu, mahilig tlaga aku sa mga instant.

Medu malamig din yung panahon. Ber months na daw, tsaka cguro side effects na rin ng bagyo sa Aurora (yun yung dinig ku sa radyo).

Intermission number ulit. Ngayun ku lang na-notice na maganda pla yung Mr. Brightside ng The Killers. Yun lang.

Habang sa bus, sa bayan pa lang, eh me umakyat ng preacher. Aba, me improvement. Dati, hanggang syudad lang cla. Xmpre, nung donation time na eh dedma aku. Kunwari, busy sa binabasa ku. Nung sa next na bayan na kmi eh, me umakyat ulit na preacher. Aba, another improvement. Sasabihan ku sana yung umakyat na, sori manong, me nauna na sau. Pero, oki yung pangalawa. Sa unahan lang siya humingi ng donation. At hindi sobre, kundi parang bag na me nakasulat na Love Offering. Kulay pink pa yung bag.

Mga 930 pa lng umalis na ku sa bahay, para d aku ma-late. Ma-trapik kac (naks, pero, yung totoo eh, mag-iinternet muna ku). Pumunta aku sa bagong shop malapit sa suki ku ding shop. Mas mura daw dun, 10Php lang per hour. At sosyal pa, me guard. Nung papasok na ku eh sinita aku nung guard. Bawal daw pumasok mga menor de edad at oras pa daw ng klac. Aba, npagkamalan ba naman akung high skul. Kaya, sabi ku, manong, college na po ako. At, hiningi talaga yung ID ku. Naman.

Maintenance pla ng Cabal. Kaya, nag-Crazy Kart muna aku. Tas Perfect World na ewan ku kung peke yung laro oh me bug talaga. Yung ibang skill kac eh d mabasa. Puro square lang lumalabas. Tas, Flyff naman. Parang akung engot. Tas dl na rin ng mga kanta. Convert yung Youtube vid sa audio lang. Bawal daw dun yung Limewire. Ta3. Kjwan tsaka Taken By Cars.

Mga 3 hours din aku. 2 na kac at punta pkung skul. Dun ku lang naramdaman na masakit pla yung ulo ku. Sa bandang occipital area (naks naman). D nku kumain ng tanghalian. Ayun, gawa ng database, tas konting discussion about sa DOS environment, mga OS, disk defrag, system restore. Aba, improving din c Sir. In fairness, marami akung natutunan ngayun ke Sir. Kaya, nagde-defrag aku ngaun. Lol.

Magandang balita yung bumungad sakin nung Econ na. Alang pasok sa Huwebes. Kac daw, Soc Sci, English, etc Day daw. Halleluya. Tas sa Friday naman eh Arts And Sciences Day. Pero me klac kmi sa Health Care. Ala naman daw yun kinalaman sa Arts and Sciences. Sumabat na naman aku ke maam. Sabi ku, dba yung Nursing is an Art and at the same eh, Science din? So me kinalaman din yun sa Arts And Sciences Day. Bahala daw kmi, d naman daw siya yung lecturer namin sa Friday. Tanong na lang daw namin sa Dean. Naman.

Dun lang din aku nka-attend ng reporting namin. yun pla yung concept ni maam na reporting. Pinapasa niya yung mga reporters ng notes about sa topic. Then, isa-isa niyang tinatawag yung mga reporters pra tanungin about dun sa report nila. Parang Final Interview lang ng isang beauty pageant. Pag d mkasagot, eh, bibigyan ulit ng bagong topic. Naman. Habang nakikipagchikahan c maam sa mga reporters eh, kami naman ng mga kaklase ku eh, ngchichikahan din. Cge maam, kayu-kayo na lang mgbonding jan.

Kaya pla masakit yung ulo ku eh, nagugutom na pla aku. Kaya pgkatapos ng klac, pumunta akung jollibee na malapit lang sa skul. Aba, dun ku lng nakita yung, chili cheese hotdog nila. Masubukan nga yun. Mga 10 minutes pa daw, sabi nung cashier. Oki lang. in the end, d lang 10 minutes yung hintay ku. Naging 25 minutes. Perfect!

Kaya, ginabi na naman aku nka-uwi. Medu kinabahan din aku nung npadaan ulit kmi sa Ambush Section. Akala ku, biglang me susulput na naman na mga adik na bata, at imbes na pellet gun yung dala-dala eh, mga naglalakihang bato na. kaya medu, umusod aku palayo sa bintana. Mahirap na. paranoid ka na kuya. At speaking of kuya, aba yung mga kaklase ku, dati tawag nila sakin eh Vice (aku kac vice chair sa klac), ngayun eh Manong na. Naman. Pero d aku pinakamatanda sa klac ha. (lol)

Nagloko na naman yung monitor ku. Pag pinapaandar ku eh me tumutunog. At alang lumalabas sa monitor. Blangko. Pero, konting pukpok lang eh, umandar naman siya. Tas patay ulit. Pukpok ulit. Andar ulit.

Now Playing: Clinically Dead for 16 Hours.



Read more...